
Ngayong araw isinagawa ang selebrasyon para sa Linggo ng katandaang Pilipino or Elderly Filipino Week sa bayan ng Pualas. Pinangunahan ito ni Mayor Amanoden “Tenney” Tomalondog Ducol at Vice Mayor Dialaloden Maruhom kasama ang mga ahensya ng Ministry of Social Welfare Development- Pualas at Rural Health Unit, masaya itong dinaluhan ng mga senior citizens mula sa 23 Barangays, kasabay din nito ay ang pag poproseso at imprinta ng kanilang bagong Senior Citizen ID na binigyan ng bagong disenyo para pang-matagalan at mas matibay. Ilan sa mga ipinamahaging libreng serbisyo at provision para sa kanila ay ang mga sumusunod:







Ngayong araw din ay natanggap ng mga senior citizens ang kanilang bagong Senior Citizens ID. Ayon kay Mayor Tenney isa lamang ito sa mga malalaking hakbang at kapakipakinabang na programa na ilalaan para sa mga senior citizens sa bayan. Mas naging matingkad ang selebrasyon ng ipamahagi ang mga bagong wheelchairs sa mga PWDs at Senior Citizens beneficiaries na labis na nangangailangan nito. Labis din na ikinatuwa ng mga senior citizens ang mga masayang palaro at ibat-ibang papremyo na kanilang natanggap.
Maraming salamat Mayor Tenney Ducol! Mabuhay ang makabagong Pualas!
#MakabagongPualas