Ang Multaqa ay isang monthly Islamic Seminar Program ni Mayor Tenney na regular ng isinasagawa sa bayan ng Makabagong Pualas tuwing huling huwebes ng buwan. Ito ay dinadaluhan mga kalalakihan at kababaihan mula sa ibat-ibang Barangay upang maglaan ng kanilang oras para makinig sa mga Islamic Lectures at seminars ng mga Aleems at Ustads.
Sa pangunguna ng mga myembro ng religious sectors sa Pualas matagumpay na isinasagawa ang Multaqa na tumagal na ng higit isang taon. Isa sa mga mahalagang layunin ng programa na ito ay ang pagpapalaganap ng kapayapaan at pagpapatibay ng pananampalataya ng mga residente ng pualas para sa mas maayos at mapayapang bayan.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayong araw ay pinalad sina Nasima Ismael (Brgy. Gadungan), Najeefah Hadje Yassen (Brgy. Lumba) at Olan Saripada Imam (Brgy. Lumbac) na mapabilang sa unang batch na mabibigyan ng pagkakataon upang maka pag Pilgrimage sa Mecca, Kingdom of Saudi Arabia ngayong 2024.
Nag papasalamat si Mayor Tenney Ducol sa walang humpay na pakikiisa at suporta ng mga mamamayan ng pualas sa naturang programa at pagpapahalaga at pagtitibay ng pananampalatayang ISLAM.
Mabuhay ang Makabagong Pualas!